Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen inokray sa face mask

0 266

NI: ALWIN IGNACIO

Papatulan pa ba natin ang pagtataray ni Ellen Adarna? Kasi nga may isang nilalang na matapos siyang magsalita sa kanyang vlog ng mga bagay-bagay tungkol sa face mask wearing, tinilian siya nito ng “you shot up.”

Sa true lang, kung ako sa nanay ng anak ni John Lloyd Cruz, hindi ko papatulan ang basher na simpleng pagbaybay hindi marunong. Ang shot ang pinatutungkulan talaga may ipinutok kang baril o sandata.

Ang salitang shut, ito ang tamang spelling ang siyang dapat ginamit ni aleng basher dahil para ito pagsasara ng mga bukas na bagay.

Ang bibig ni Adarna ang malinaw naman na gusto niyang ipasara o pigilan ang pagsasalita dahil para sa feelingera, eh wala namang kawawaan at bereft of sincerity ang babaing minsan ay minahal ni JLC?

Palakpakan na may kasamang maraming sigawan para sa mommy dearest ni Elias dahil in fair Verona, panalo ang retort niya sa nilalang na wrong spelling wrong: “Arent you a bit old for aggression? and Negativity = stress. If my face stresses you out, i beg you please unfollow me…i dont want u to die of stress… Stress weakens the immune system and cause diseases that will eventually kill you. Shine a light! You need to be healthy inside and out to fight this virus.”

Very well said ang kuda ni Adarna kaya sigurado tayong ang hindi kabataang pinamewangan siya, shookt at natigalgal sa kanyang pagtataray na swabeng-swabe at tunay na ayon sa kanyang ganda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.