Abante Tonite Interactive

Ellen-John Lloyd at Lolit tuloy ang patutsadahan sa IG

‘I-confirm o i-deny niyo na lang ang kasal!’

Lolit Solis
4,785

TINAWANAN lang talaga ni Nay Lolit Solis ang pinagkaabalahang Instagram video na ginawa ni Ellen Adarna at shinare naman ni John Lloyd Cruz at ni­lagyan ng caption na, ‘Take It, Take it!’

Sinagot na rin ni Nay Lolit sa kanyang Instagram account ang pagde-deny nina John Lloyd at Ellen at tila pang-aasar pa sa veteran columnist at manager. Ito ay sa kabilang sa post nito, masaya siya sa dalawa.

Sabi ni Nay Lolit, “Naku laugh ako to death ha, kaloka Salve (Asis) ha, lakas naman sobra dating ko para magkagulo showbiz at pati John Lloyd Cruz at Ellen Adarna mag shoot pa video para mag-relay message sa akin.”

Naalala raw tuloy niya ‘yung madalas sabihin sa kanya ng kanyang ‘apo’ kung totoo ba sinasabi niya na promise o joke lang.

Sey pa ni Nay Lolit, “Kasi nga minsan kalat na balita pero ‘pag sinulat o nag-comment ako para bang last nail that sealed the coffin ang dating, ayoko ilagay sa ulo na para bang lahat sabihin ko lahat they take it seriously, so serious na para bang katabi ako ng dalawa ng nagplano?

“Sabi ko, may source na nagparating sa akin ng balita, credible dahil taga-Cebu at connected sa lugar kung saan sinasabi nag-order iyon miyembro ng pa­milya ni Ellen, so dapat lang gawin i-confirm o i-deny, so what is the big fuzz? Di ko kilala personally si John Lloyd at Ellen but I admire them, kung na-upset sila na naunahan ng balita mga plano nila wala akong magagawa, parte iyon ng trabaho.”

“Sayang dahil I ­really admire the couple, pero I will always stand by my story. Kung mali man source ko, I still feel thankful that pinadal­han nila ako balita tulad ng pinadala nila photo ni Ellen at JLC na nagpacheck-up sa clinic, out of the blue may nagpi-feed ng balita, at bilang writer­ ‘di mo pwedeng ignore lalo kasing-hot ng dalawa.”

Still at the end, Nay Lolit still wish John Lloyd and Ellen the best. Aniya, “We do checking pero di naman mag-confirm iyon hotel dahil may usapan siyempre ng confidentiality, or the clinic pero hayan naman photo, so be it, may magagalit, may hindi maniniwala, pero later on malalaman na rin tutoo, wait lang tayo, to Ellen and JLC basta be happy at best wishes.”