Abante Tonite Interactive

Ellen-John Lloyd rumesbak kay Lolit Solis

Pang-asar ang ‘Take it! Take it!’

By
12,271

PATUNGKOL ba sa naging Instagram post ni ‘Nay Lolit Solis tungkol sa ayon dito ay nagpaplano na ng kasal sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Kilala sa salitang ‘Take It, Take It’ ang manager/kolumnista/host dahil sa kinasangkutan nitong MMFF scam.

Aba, as in, ‘yun talaga ang caption ni Ellen sa pinost niyang I G stories na tila nagha-hum ito ng bridal song at ang ending ng video niya ay parang set-up sa isang wedding ce­remony.

Hindi pa ito dito nagtapos, pinost din ni John Lloyd ang parehong post ni Ellen sa IG niya.

So ang impression, sagot daw ba ito ng dalawa sa rebelasyon ni Nay Lolit na happy naman sakali nga at mauwi sa kasalan ang relasyon nila.

Naalala tuloy namin nang i-announce rin ni Nay Lolit ang diumano’y engagement ring na binili ni John Lloyd para kay Ellen. Dito ay wala silang naging reaksyon.

So hanggang sa singsing pa nga lang ba?