Abante Tonite Interactive

Ellen kinalbo si John Lloyd kesa sagutin ang kaso

By
5,465

Sinampahan na nga ng kaso kahapon si Ellen Adarna ng nanay ng menor de edad na babaeng kinunan ng aktres ng video habang kumakain sila sa restaurant ni John Lloyd Cruz earlier this month.

Base sa report ng abs-cbn.com, child abuse at cybercrime ang mga kasong isinampa kay Ellen ni Myra Abo Santos na nanay ng babae sa video na ipinost ng aktres noong May 4. Isinampa ang kaso sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang naturang post, pati na ang sagutan nila ng babae sa socmed na nagsimula nang maghinala si Ellen na kinukunan sila ni Lloydie ng babae kaya bilang ganti ay kinunan din niya ito ng video at ipinost sa kanyang Instagram Story kasama ang caption na “‘yan ha… You know the feeling… Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto eh. It’s a tie.”

Sumagot naman ang babae sa kanyang Twitter account at sinabing siya ang na-paparazzi at itinangging sina Ellen at Lloydie ang kinukunan niya. Aniya, hindi nga niya napansin ang dalawa at naka-focus lang siya talaga sa pagkuha ng video ng food nila.

Ilang araw matapos ang insidente ay sumagot ang ang ina ng babae na si Myra at nag-demand ng public apology mula kay Ellen.

Subalit hindi nag-issue ng public apology si Elle­n kaya tuluyan na siyang idinemanda ng pamilya Santos­.

May mga netizen na sumasang-ayon sa pagkakademanda kay Ellen. Pero may netizen din namang positibo na maaayos din ang gusot na ito.

Samantala, marami ang nag-aabang sa reaksyon ni Ellen sa kanyang demanda. Tutok sila sa kanyang social media account. Pero kesa sagutin ang isyu, nag-post siya ng video na kinakalbo si John Lloyd ilang oras matapos sampahan ng kaso.