Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen kinunan ng anak

0 137

NI: VINIA VIVAR

Makikita sa mga Instagram posts ni Ellen Adarna na enjoy na enjoy siya sa pagiging ina ng kanilang 2-year-old son ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Every now and then ay may post siya habang nakikipaglaro or nakikipag-bonding sa anak.

At kung dati ay hindi niya ine-expose ang mukha ni Elias, sa latest Instagram story niya ay makikita na ang kalahati ng mukha ng bagets na mukhang ang gwapo’t tila kahawig ng amang si Lloydie.

Makikita sa short video na hawak ni Elias ang kanyang cellphone na tila kumukuha ng picture.

Sabi ni Ellen sa video, “oh my God, you know how to take pictures na, love. I’m going to post that. Take a picture mama.”

At ipinost nga ni Ellen ang mga shots sa kanya ni Elias na in fairness, marunong nga nga ang bagets.

Caption ni Ellen sa mga larawan, “Today was the first time my son took photos of me ❤️📸 Elias Modesto.”

Pinuna ng netizens kung gaano kasaya ang aura ni Ellen ngayon.

“Ang saya ko para sa inyo ni elias, kumareng ellen❤️ yung ngiti mo dito ngiting di mabibili ng kung anong bagay,” komento ng isang follower.

“Happy mama,” reaksyon naman ng isa pa.

“Wahhh u look so happppyyyy,” ang comment ng isa pang fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.