Abante Tonite Interactive

Ellen, Liz Uy tsikahan sa Instagram

557

Pinamimigay si John Lloyd:

Viral ngayon ang pagiging aktibo muli ni Ellen Adarna sa social media pagkatapos ng matagal niyang pamamahinga sa showbiz.

Maraming netizen ang nakapansin na tila na-miss ng controversial live in partner ni John Lloyd Cruz ang limelight.

Ngayong nakapanganak na kay Elias Modesto at balitang hiwalay na kay JL, back to her sexy form na ang actress.

Katunayan, marami ang nagulantang sa kanyang kaakit-akit na photo kung saan animo’y walang nagbago sa kanyang wangkata na papasa pa rin bilang pantasya ng mga barako.

Isa sa sobrang na-excite sa kanyang pagbabalik sa socmed ang celebrity stylist na si Liz Uy na buong galak na nag-post na: “You’re alive!”

Nag-reply naman si Ellen sa post nitong, “@lizzzuy yas maaaa!!! Anuney mamshhhh ahahah”.

Dahil dito, umani ng samu’t saring reaksyon sa netizens ang naging palitan nila ng mga mensahe sa Instagram.

Sey ng ilang bitchy netizens, naka-move on na raw talaga sa hiwalayan nila ni JL si Ellen at tila ipinamimigay na nito si John Lloyd sa kanyang ex.

Matatandaang bago pa kasi naging mag-on sina JL at Ellen at isilang ang kanilang baby, naging magdyowa for three years sina Liz at ang Kapamilya award-winning actor. (Archie Liao)