Abante Tonite Interactive

Ellen nagdabog ang bangs sa buntis photo?

By
3,665

Ngayong lumitaw na ang mga larawan kitang-kita naman na parang lumunok ng pakwan si Ellen Adarna, meron kaya siyang mga endorsement na magdadabog ang bangs dahil nga may clauses ito na hindi siya dapat magdalantao?

Hindi rin naman ako maniniwala kung ang aria ni Adarna ay busog na busog lang siya kaya bundat na bundat ang kaniyang tiyan. Pictures can’t lie and it can paint a thousand words.

Marami ang nagsasabi na super exclusive ang resort kung saan nandoon si Ellen at John Lloyd Cruz, sino kaya sa mga kasabayan nila ang naglakas ng loob na kunan si Adarna at walang nerbiyos na ipamahagi ito? May tunay na bang paparazzi sa Pilipinas? O may natuwa lang talaga sa makinis at bilugang tiyan ni Ellen kaya he or she captured it for posterity at hindi sinasadya na sharing in the city na ang larawan?

Kwentas claras bigla na hindi pa ito nanganak sa Singapore. Kwentas claras rin na hinayaan niya ang kanilang abogado na harapin ang demanda sa kanya. Malinaw na malinaw rin na mas pinili niya to get away from it all at makasama ang kanyang beloved, at father of his child.

Walang duda na alam na ni Ellen na pinagpipiyesta­han na ang larawan niya. Ang bangs niya kaya nagdadabog o deadma lang siya sa pangyayaring ito? O makakaasa ba tayo ng paliwanag na naman siya sa kanyang social media site tungkol dito with matching pagbabanta sa nag-upload ng photos?

Vice, Alden sanib-puwersa laban kina Coco at Vic

Walang pagdadabog ng bangs ang dabarkads at madlang pipol ang napipintong pagsasama ni Bossing Vic Sotto at Kuya Cardo/Coco Martin sa Disyembre film festival.

Marami rin ang natuwa na may plano yata na pagsamahin ang Diamond Star Maricel Soriano at Philippine Sweetheart Maine Mendoza. Pinalulutang rin na maaa­ring isali sa MMFF ang tambalang Inay Marya at Menggay. Malamang, parang kina Sotto at Martin, finished script rin ang isusumite nila.

Si Queen Bayot Vice Ganda, sino kaya ang napipisil na makasama sa pelikula? Si Daniel Padilla, Pia Wurtzbach and others ang kasama niya sa pangmalakasang Gandarapido.

Kung gusto ni Ganda na laging may audience impact ang kanyang pelikula at ang mga collective panga natin ay magbabagsakang lahat, ang pinaka-bonggang dapat niyang makatrabaho, walang iba kundi ang Pambansang Bae, si Alden Richards!

‘Di ba? Aminin niyo dear Abante Tonite readers, kung si Coco may Bossing Vic, hindi mas pangabog kung si Jose Marie, may Richard Faulkerson Jr.? Kung ako sa pamunuan ni Vice Ganda, I will move heaven and earth, pull all the strings I can pull and exercise my clout and might to make sure na mangyari ang tila imposibleng pagsasamahan na ito.

Kung ang Sotto-Nacan­cieno tandem nga ay magaganap na, ano ba naman kung ang mga Pulis Pangkalawakan eh itapat rin sa kanila ang Viceral-Richards pairing?

Kung si Padilla muli ang kukunin ni Ganda, nakakahikab na. Kung si Enrique Gil, masyadong predictable­. Kung si Joshua Garcia, promising pero hindi kasing exciting. Ibang premium, estrella at hysteria ang mangyayari kung saka-sakaling ang diva that you love’s pangarap kung jackpot na pagsasama ay maging isang katotohanan.

Kay Vice, ‘pag naging kapareha niya si Alden, casting coup ito at talagang magpapaariba lalo sa kanyang posisyon as the reigning box office bayot tuwing filmfest. Kay Alden, hindi pwedeng kailan na career booster at star turning ang kaganapang ito. Iyan eh kung ang team Vice Ganda, mapaglaro ang mga imahinasyon kung sino ba o ano ang dapat itapat sa pagsasanib-pwersa nina Marvic at Rodel. Kung susundin nila ang suhestiyon, sure na sure na they will earn box office diamonds come December time.

Ito talaga ang labang ma­tira ang matibay, Vic Sotto and Coco Martin versus Vice Ganda and Alden Richards, spectacular, spectacular na salpukan sa takilya pag nagkatotoo. Ang saya-saya nito pag nagkataon.

Xian may nilabag sa kasunduan?

Ang diva that you love masayang-masaya sa balitang hatid ni hubby Xi, ang aking Xian Lim, pasok na pasok na bilang direktor sa Cinemalaya Film Festival!

Hindi ba super upgrade ang kanyang stature, huh! Mula sa pagiging artista, perennial kapareha ng kanyang Grace na si Kim Chiu, pageant host, heart throb, concert performer, at ngayon nga, first direktor. At sa most prestigious independent film festival pa man din, palakpakan na may kasamang sigawan for you, my Xian.

Bagama’t hindi ako sigurado kung may nilabag siyang kasunduan sa nasabing festival kasi nga merong official announcement para rito.

Balita ko horror/thriller ang motion picture ni hubby Xi at ang tanging wish ko lang, huwag si Chiu ang gawin niyang bida sa pelikula niya. Parang magdadalawang isip ako kung si Chiu-Chay ang bida niya sa kanyang directorial debut. Sobra na ‘yun. Ouch na ouch talaga! Affected much na ako nu’n. Hahahaha.

Ang pahayag ni Xian tungkol rito sa kanyang Instagram, “Naalala ko pa noong 2009 nung ginagawa palang namin ni direk Gil Portes ang pelikulang Two Funerals. Ang tanong ko sa kanya, Direk Gil balang araw gusto ko rin po maka gawa ng pelikula tulad nyo. Pwede po ba ako makahingi ng payo sa inyo? Ang sagot nya ABA p******a ang taas agad ng pangarap mo!

Walang katapusang pag aaral!…then he pulled me to the side and said, kung ano man yang pangarap mo, ituloy mo. Paghirapan mo. Thank you Cinemalaya for giving us this opportunity!”

Sa 2019 pa ipapalabas ang pelikula ni Lim. Marami pa siyang chances to find counterpart funding at dasal ko na marami ang magmamahal at sumuporta sa kanyang paparating na Ci­nemalaya entry.

Sana lang huwag maunsyami dahil tiyak na tiyak, siya at ang pelikula niya ang main attraction sa Cinemalaya a year from now.