Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen ‘nalunod’ sa boobs ni Pia

0 148

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging komento ni Ellen Adarna sa Instagram post ni Pia Wurtzbach kamakailan.

Sa video kasi, nagmumura ang alindog ni Pia in orange bikini na may caption na:”Wanna jump in the pool with us?”

Nag-react naman si Ellen sa wikang Bisaya na kung itra-translate sa Tagalog ang ibig sabihin ay nangangahulugan sa pagkahaling o paghanga niya sa mga ‘bundok’ ni Pia.

Hirit niya, mas nakalulunod daw tingnan ang boobs ng beauty queen kesa sa pool.

Marami naman ang na-amuse sa prangkang obserbasyon ni Ellen sa mayamang dibdib ng beauty queen.

May kibitzers ding nagsabing nai-insecure ang aktres sa bobey ni Pia.

Nami-miss din daw nito ang ipinatanggal na breast implant na pinagtripan pa ng kanyang mister na si Derek Ramsay.

May mga pumuri naman kay Ellen dahil sa pagpapakatotoo nito na isa itong retokada.

Matatandaang ipinatanggal ni Ellen noon ang kanyang fake boobs dahil sa kumplikasyon nito sa kanyang kalusugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.