Abante Tonite Interactive

Ellen nangarag sa anak

802

Muling nagbabalik sa showbiz si Ellen Adarna matapos ang dalawang taon.

Nasilayang muli ang aktres sa kanyang bagong eyebrow endorsement na ipinost sa Facebook page ng isang aesthetic center.

Medyo tumaba man ang mukha ng aktres, wala namang makikitang malaking pagbabago sa kanyang seksing katawan.

Sa nasabing video ay bumiyahe pa siya mula Cebu hanggang Manila para sa kanyang “Mommy makeover”.

Sa halos dalawang taon niyang pamama­hinga sa showbiz, naging abala umano siya sa pag-aalaga ng anak nila ni John Lloyd (Baby Elias). (Ronaline Avecilla)