Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen never nainggit kina Angelica, Shaina

0 129

NI: ARCHIE LIAO

Nagbigay ng advice si Ellen Adarna sa question and answer portion sa kanyang Instagram story.

Nagkaroon siya ng bonding moments with her fans kung saan nagbigay ng payo sa kanyang mga faney tungkol sa usapin ng mga puso.

Isang follower niya ang nagtanong sa aktres na: “What if matagal siya bago mag-reply, sign na ba iyon na hindi siya interesado?”

Viral naman ang naging sagot ni Ellen na walang kagatul-gatol ang naging sagot.

“Ang ibig sabihin nito ‘Day, kung naghihintay ka sa kaniyang reply, para kang aso na naghihintay sa kanya,”bulalas ni Ellen.

Isa pang viral question na itinanong ng netizen ay kung okey lang na pakialaman ang cellphone ng boyfriend para i-check ang mga mensahe rito.

“Yang mga ganyan ‘Day, para lang yan sa mga pangit ang mukha. Sa mga insecure, sa mga praning. Hindi ko pa yan naranasan. Never,” payo ni Ellen.

Dahil dito, umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging mga payo at komento ni Ellen.

Sey nila, cool daw ito at never na pinakialaman ang nakaraang affairs ni Lloydie sa ibang mga babae .

Never din daw itong na-insecure sa mga naging ex ni Lloydie gaya nina Shaina Magdayao, Angelica Panganiban dahil kampante siya sa kanyang ganda at alindog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.