Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen nangarag kay Derek

0 1,770

Ang daming naaliw sa pag-uusap nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa Instagram. Nag-post kasi ng mga sexy photos ang aktres at pinakaunang nag-comment ang fiancé.

Sa mga larawan ay uma-awra si Ellen sa beach.

“This is what you look like pala when you are waiting for me to come home,” komento ni Derek.

Sinagot naman ni Ellen na super-antay siya kay Derek na matapos ang golf nito at nangarag na raw siya sa tagal ng paghihintay niya.

“This was me waiting for u to finish golf but u took so long so ngarag version na naabutan mo,” sagot ni Ellen.

“I like you ngarag then,” sagot na naman ni Derek.

May isang netizen na nag-comment na baka raw pag-awayan pa ng dalawa ang paggo-golf ni Derek.

“Lam mo Baka golf pag awayan nyo @maria.elena.adarna pag naglaro ka nyan Haba oras naranasan ko kayang mag intay boring,” sey ng netizen.

Pero dumepensa si Ellen at sinabing hindi naman daw siya ganu’n kababaw.

“Relax lang girl di naman ako shallow and ultimate me time and awra time ko when hes playing golf . So win win situation naman. Walang lugi,” ani Ellen.

Nag-react na lang si Derek ng katakot-takot na face with tears of joy emojis.

Kiko umamin sa hiwalayan kay Devon

Tinapos na ni Kiko Estrada ang mga espekulasyon tungkol sa break-up nila ni Devon Seron. Kinumpirma ng aktor na single siya ngayon which means wala na nga sila ng girlfriend.

Nag-guest si Kiko sa Magandang Buhay aired yesterday (Monday). During the interview ay nagkaroon din ng appearance ang ina niyang si Cheska Diaz via Zoom.

Natanong si Cheska kung ano ang kalagayan ng puso ng kanyang anak ayon sa ina ay sa work naka-focus ngayon si Kiko.

Ang aktor na ang umakong sagutin ang tanong.

“I guess I can answer that. Yeah, I’ll take this one from my mama. I think it’s a proper way for a man to say my status in life, not my mother.

“So, yeah. Well, I’m single. So, I’m focused on work,” sabi ni Kiko.

Nagpasalamat naman ang host na si Melai Cantiveros sa pagiging honest ni Kiko at sabi ng binata, ang pangit naman daw na ang Mama niya ang magsasalita for him.

“My mom told me to be a respectful man, that for people to respect me you have to do the right thing,” sey ni Kiko.

Maliban dito ay wala nang naging pahayag pa ang aktor tungkol sa break-up nila ni Devon.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay umingay ang tsika na break na sina Devon at Kiko dahil na rin sa mga pagbabagong nakita sa kani-kanilang social media accounts.

Si Kiko ay nag-delete ng kanyang Instagram habang si Devon naman ay inalis ang lahat ng larawan ng ex-boyfriend sa kanyang page.

Na-involve rin si Heaven Peralejo na diumano ay third party pero itinanggi niya ang tsismis at aniya sa isang panayam ay wala raw siyang kinalaman sa break-up nina Devon at Kiko.

Sina Kiko at Heaven ay magkasama sa Kapamilya teleserye na Bagong Umaga na nasa finale week na ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.