Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen nilantad ang kapraningan

0 70

NI: VINIA VIVAR
Nag-open-up si Ellen Adarna sa kanyang mahirap na pinagdaanan sa tatlong taon niyang pamamahinga sa showbiz.

Sa kanyang exclusive interview sa Preview.Ph as January cover story, inamin niyang sunod-sunod ang mabibigat na pangyayari sa kanya sa loob ng 3 yrs. na ‘yun kaya naman talagang nawala siya sa hulog, so to speak.

“It took two years for me to heal,” aniya sa panayam. “I really went on a downward spiral. I really lost it.”
After she gave birth ay nagkaroon naman siya ng post-partum depression habang nagluluksa pa siya sa pagyao ng ama. And that time ay on-the-rocks na rin pala ang relasyon nila ni Lloydie.

“It was just really darkness and negativity. [There would be times when] the bathroom was my security blanket. Siguro in a day, tatambay ako sa banyo for three hours, just to be away, because it was in the bathroom that I felt safe,” pagre-recall ni Ellen.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, bilang isang bagong ina, nagkaroon pa raw siya ng takot na baka bigla na lang siyang mamatay. Kapag nakahiga raw siya sa kama, nai-imagine niyang babagsak ang kisame sa kanya.

Nahirapan din daw siyang sumakay sa kotse or taxi dahil natatakot siyang baka maaksidente siya or baka biglang mawalan ng break ang sasakyan at minsan pa nga raw, habang nasa taxi siya sa Japan ay umiiyak siya dahil iniisip niyang sasabog ang sasakyan.

Hanggang sa may nag-refer na nga sa kanya ng tungkol sa KoKoro Program sa Bali, Indonesia. Matatandaan ngang ipinost pa ni Ellen sa kanyang Instagram account ang mga pinagdaanan niya sa nasabing training. And dito na nga siya unti-unting bumalik sa normal.

“Now I’m in a very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed,” she said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.