Abante Tonite Interactive

Ellen tanggap kung di pakasalan ni John Lloyd

By
6,666

MASIPAG pa rin magpo-post sa Instagram ang magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Kaya doon na lang sila naa-update ng mga taong sumusuporta at interesado pa ring malaman tungkol sa kanila.

Nung kamakalawa lang, pinagpiyestahan na naman ng mga netizens ang IG story ni Ellen na kung saan kinukunan niya si Lloydie na nagpi-prepare ng chicken na igi-grill sa makeshift oven daw nila.

Nasa video naman ang kuha rin ni Ellen na kalong-kalong ang aso niya at nahagip ang tiyan niya na may kalakihan na.

Kaya ang dami nang nag-grab sa IG story na iyun na kung saan nasilip nang konti ang baby bump niya.

Wala pa naman silang pahayag tungkol sa pagbubuntis ng sexy actress, pero ilang taong malapit sa dalawa, lalo na kay Ellen ay nagsasabing buntis nga raw ito.

Meron pa ngang kuwentong sinabi umano ni Ellen na okay lang kung hindi siya pakasalan ni John Lloyd basta sa kanya ang baby.

Nakikita naman daw na sobrang mahal ng Kapamil­ya actor si Ellen at excited daw ito sa kanilang magi­ging anak, kaya hindi na humihiwalay sa aktres.

Raymond Bagatsing may sex video

MAY bagong sex video na namang nagsisimula nang kumalat. Si Raymond Bagatsing ang bida.

Ipinorward sa akin ng isang kaibigan na nagtatanong kung si Raymond nga ba ang sa video na iyun.

Medyo madilim ang kuha, pero  buong-buo ang kuha ng video na kung saan tila may ka-chat ito.

Kamukha naman ni Raymond ang nasa video na naka-shades, hubo’t hubad at nagri-reflect sa shades niya ang ka-chat na parang babaeng nakahubad din. May eksenang lumalabas ang dila niya, at ang iba ay photo grab na kung saan hawak nito ang kanyang pagkalalaki.

Nag-text kami kay Raymond kung meron nga ba siyang nagawang sex video. Hindi raw niya alam.

Humingi lang siya sa amin ng kopya para tingnan daw muna niya.

Medyo natagalan lang ang pagpapadala namin dahil mahina ang wifi, pero nang na-send namin sa kanya, hindi pa siya nag-respond sa susunod naming text.

As of presstime, wala pa rin siyang sagot kaugnay sa video na iyun. Kaya hindi pa namin nakumpirma kung kanya nga ba ‘yun o hindi.

Lovi sinita ng utol

BUKOD sa galing sa pag-arte, bumilib din si Direk Joel Lamangan sa bilis ng kamay ni Lovi Poe.

“Na-shock ako! Anak nga siya ni FPJ!” bulalas ni direk Joel nang nagkuwento siya tungkol sa  kontrobersyal na sampalan scene ng pelikulang The Significant Other na magsu-showing na sa February 21.

Bilin daw kasi ni Direk Joel, huwag ipeke ang sampal kaya tinotoo naman ni Erich na medyo napalakas nga lang at tumama ang kamay niya sa hikaw ni Lovi. Nasugatan ang kamay ni Erich, pero gumanti si Lovi nang magkakasunod na sampal na tumama lahat kay Erich.

“Lumabas ang dugong FPJ kay Virginia Poe! Napa­lakas ang sampal.

“Sabi ko naman kasi sa kanila, ayoko ng fake. Kapag fake kasi na sampal, halatang-halata. Eh napalakas pala.

Tapos na raw ang isyung iyun sabi ni Lovi at okay naman daw sila ni Erich ‘Lodi Poe’ pa nga raw ang tawag sa kanya ng Kapamilya actress.

Tinawagan din daw siya ng kapatid niya nang napabalita ‘yung sampalan.

Dagdag na pahayag ni Lovi: “Pati nga ‘yung brother ko nag-react kasi crush na crush niya si Erich. Sabi niya, ‘sis ano naman ang ginawa mo sa crush ko. Sabi ko, ‘don’t worry maganda pa rin naman ‘yung face niya. Hindi dumugo sa sampal ko.

“Hindi naman kasi maiwasan na you’ll get carried away. Lalo na kung siniser­yoso mo ‘yung craft mo. So, I’m very happy na sa ganitong klaseng pelikula, I’m with Tom, I’m with Erich, tapos si Direk Joel Lamangan pa ‘yung nagdirek. So, parang perfect combination ng lahat.”

Pero ang mas nakatikim ng matitinding sampal ay si Tom Rodriguez pinagtulungan ding sampalin nina Lovi at Erich.

“Grabe sila. Ang liliit na babae, ang lakas manampal?” bulalas ni Tom.