Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen umalma na matanda, kalbo si Derek

0 146

Nakatikim ng pagtataray mula kay Ellen Adarna ang isang basher na nagkomento nang hindi maganda tungkol kay Derek Ramsay.

Sa isang video na ipinost ni Ellen sa Instagram, makikita si Derek na naka-topless at nasa kama. Naghaharutan silang dalawa habang kinukunan ng aktres ang fiancé.

Sey ni Ellen kay Derek, “love, you’re so handsome.”

Si Derek naman ay parang nagpapa-cute na kyemeng umiiwas sa camera.

Inilapit pa ni Ellen ang camera para i-close-up ang mukha ni Derek. Maririnig din na sinabihan niya ang fiancé ng “sexy” at halatang nako-conscious naman ang aktor.

Dumagsa ang komento sa comment section at marami namang kinilig sa lambingan ng dalawa.

Komento nga ni Jackie Forster, “so weird seeing Derek getting conscious 😂 iba ang powers mo Adarna! .. but be careful baka ma lamog si dong.”

Birong sagot naman ni Ellen, “better conscious than unconscious.”

Ang iba naman ay nainggit sa sweetness ng dalawa at komento nila, “sana all.”

Pinuri rin ng mga netizen si Derek at sinabing ang cute raw ng aktor.

Pero may isang basher na tinawag na kalbo at matanda na si Derek.

“Tanda na di na bagay sayo derik pa cute kalbo,” komento ng netizen.

Knowing Ellen, talagang ‘di niya ito palalampasin kaya naman talagang sinagot niya ang basher.

“Mukha ka din naman matanda, ah…di na rin bagay sayo makialam and humahanash bakit cute ka? Ganda ka???!!!” pagtataray ni Ellen.

Pati ang mga netizen ay naaliw at natawa sa sagot ng aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Janine super kilig Kay Paulo

Hindi maikakailang sobrang kinikilig pa rin talaga si Janine Gutierrez sa kanyang leading man sa Marry Me Marry You na si Paulo Avelino. Noon pa sa mga interview sa kanya ay sinasabi naman talaga ng aktres na super excited siya na makatrabaho ang aktor.

Actually, nakasama na niya si Paulo sa isang pelikula bago pa man siya lumipat sa ABS-CBN.

“Paulo and I did a movie last year or nun’g 2019. Pero na-postpone siya because nag-pandemic. So, kilala ko na si Pau and I was so excited to work with him in this setting,” sabi ni Janine sa online mediacon.

Dagdag pa niya, “when we did the movie, talaga namang nakakakilig si Pau. So, I was really looking forward na kiligin ulit. Kiligin ulit!” sabay-tawa.

“I mean, it was really a fun experience, so I knew that going into this, if there’s anyone that I wanted to start my ABS-CBN journey with, na it was really Pau,” pag-amin pa ng aktres.

Pati ang mga netizen ay kinikilig na nga rin sa kanila ngayon lalo na nga nitong huling Instagram post ni Janine kung saan ay nagsagutan sila ni Paulo nang bonggang bongga.

Nag-post si Janine ng sweet photo nila ni Paulo at sumagot sa comment section ang aktor.

“Kitang kita yung sugat ko sa kamay nung tinusok mo ako ng ballpen,” sabi ni Pau.

Sagot naman ni Janine, “hindi na nga ako makahinga. sabi mo yakap, sakal.”

Sey naman ulit ni Paulo, “sakal? O “sakaling” di nila mapansin na sinasaktan mo ako off cam. Send band aid pls.”

Na sinagot ulit ni Janine. “Aminin mo na kasi na puro pananakot ang binubulong mo diyan para lang magpa picture ako sayo!!! kalma ka lang, papayag naman ako.”

At ang haba na ng inabot ng sagutan nila na ikinaaliw at ikinakilig naman ng netizens.

Komento tuloy ng isa, “diba magseselos si @rayvercruz nyan?”

Hahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.