Abante Tonite Interactive

Ellis import ng SMB? ‘di totoo ‘yan — Non

389

Tinabla ng San Miguel Beer ang bali-balitang si National Basketball Association veteran­ Monta Ellis ang ipaparada nilang import sa season-ending Philipine Basketball Association Governors Cup.

Nakikipagbuno pa ang Beermen sa TNT KaTropa sa Finals ng Commissioner’s Cup, makakalas ang pagkakabuhol sa 1-1 sa Game 3 Biyernes gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“’Di totoo ‘yan,” giit ni SMB governor Robert Non.

Nauuso ang mga dating NBA players na hinuhugot sa import-spliced conference ng liga.

Katunayan, parehong first-round picks ang reinforcements ng SMB at TNT sa midseason conference. Si Terrence Jones ng KaTropa ay 18th pick ng Houston Rockets noong 2012, samantalang 29th selection ng Brooklyn Nets si Chris McCullough ng SMB noong 2015.

Si Ellis, 33, ang 40th pick ng Golden State noong 2005. Naglaro rin siya sa Milwaukee Bucks, Dallas Mavericks at sa Indiana Pacers.

Tapos ng 2016-17 season ay naging free agent siya pero walang sumalo.

May balitang nagwo-workout si Ellis, kasama si Amare Stoudemire, sa pagbabaka-sakaling makabalik sa NBA.

Sa 74 games sa huling season niya sa Pacers, nag-average ang 6-foot-3 guard ng 8.5 points, 3.2 assists at 2.8 rebounds.