Abante Tonite Interactive

Elmo at Maxene salingkit kay Pia

By
2,856

PURING-PURI ni Maxene Magalona si Bea Alonzo na nakatrabaho niya sa horror flick na Eerie.

Dream come true raw para kay Maxx ang maka-work ang gandarang Kapamilya actress.

“I was just in awe the whole time. Minsan, may mahihirap na scene na nagagawa niya in one take. So, talagang nakaka-inspire,” papuri ni Maxene kay Bea.

First time niyaNring na­katrabaho sa nasabing pelikula si Ms. Charo Santos-Concio at all-praises din siya sa batikang aktres.

“Grabe, she’s really one of the most beautifully radian­t souls na nakatrabaho ko. Because habang kausap mo siya, parang she imparts wisdom in you without her even trying.

“Talagang sobrang wise siya and I see her as a very, very strong person and to be able to work with her and see her in that character, si Sor Aliche, parang it was surreal,” bulalas ni Maxx.

Katatapos lang nila ng shooting ng Eerie, na madre rin ang role ni Maxx na apprentice o isa sa nuns-in-training ni Ma’am Charo bilang mothe­r superior.

Si Bea, ang role ay guidanc­e counselor sa school. Kakaibang horror film daw ito na ‘90s ang setting sa isang kumbento ng mga madre.

Nakakatuwa dahil ang direktor nitong si Mikhail Red (of Birdshot fame) ay nakasama pala ni Maxx many years ago bilang isa sa mga batang tumatakbo-takbo sa music video ng Kaleidoscope World ni Francis M. na dinirek ng father ni Mikhail na si Raymond Red.

Mga tatay nila ang magkatrabaho dati, nga­yon ay sila namang mga anak.

Nakausap namin si Maxene kahapon sa grand opening ng Milky & Sunny all-day breakfast place sa bago nitong branch sa The Ignacia Place na katabi lang ng ABS-CBN.

Ang mom nilang si Pia Magalona ang part owner dito, ‘salingkit’ lang daw sila ni Elmo, sabi ni Maxx.