Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elmo bagsak kay Lotlot, Rayver 9.5

0 1,320

Botong-boto si Lotlot de Leon kay Rayver Cruz bilang boyfriend ng panganay niyang anak na si Janine Gutierrez. 9.5 ang rate na ibinigay niya dito.

Palaisipan din kung si Elmo Magalona ang tinutukoy ni Balot na 4 lang ang grade.Kumbaga, bagsak!

Tinanong kasi kung ilang puntos ng ibibigay niya sa ex ni Janine bago si Rayver. Kung hindi kami nagkakamali ay si Elmo ang huling boyfriend ng Kapuso actress bago si Cruz.

Sa latest vlog ni Janine ay may kundisyon din si Lotlot pag naging ina na ang aktres. Gusto raw niya ay mga guwapo at magaganda ang mga apo niya. Pero bawi niya mamahalin pa rin niya ang mga ito kahit ano pa ang maging hitsura.

Talbog!

Related Posts

Quinto proud na retokada

Pumiyok si Angeline Quinto sa pagpaparetoke.

Sey niya sa kanyang Instagram account na @loveangelinequinto, “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi. Kaya nga ho may Dra. Vicki Belo.

“ Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad.

“Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho. #RetokePaMore”

Leave A Reply

Your email address will not be published.