Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elmo, Marlo tablado: Joshua best partner ni Janella

0 132

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ng vlog ng kambal na Joj at Jai Agpangan si Janella Salvador.

Sa Drink or Spill challenge, hindi inurungan ni Janella ang pagsagot sa ilang mga katanungang ibinato sa kanya.

Ayon kay Janella, sa lahat ng naging kapareha niya, si Joshua Garcia raw ang itinuturing niyang best love team.

Dahil sa komento niyang ito, may ilang kibitzers na nag-react na, inilaglag umano ng actress ang mga dating love team partners na sina Elmo Magalona at Marlo Mortel.

Paliwanag naman ng aktres, nagustuhan daw niya si Joshua dahil propesyonal ito at magaling katrabaho.

SM food to go Banner Ad

Agree naman ang kambal na may chemistry ang tandem nila ni Joshua.

Sa future na makakapareha, open daw naman siyang i-explore na maka-work ang iba pang leading man.

Sa tanong naman kung close ba siya kay Julia Barretto, aminado siyang nagkaroon sila ng isyu noon na hindi na niya in-elaborate.

Pero noong nanganak daw siya, nag-reach out daw naman ito sa kanya.

Gayunpaman, hanggang doon na lang daw ang nangyari at hindi na nag-materialize ang friendship nila.

Hinggil naman sa mga kaibigang plastik sa showbiz, marami raw siyang acquiantances pero ilan lamang ang pinipili niyang pagkatiwalaan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.