Abante Tonite Interactive

Elmo papalit sa nabakante ni Janella

1,014

Magtatapos bukas ang hit primetime TV series na “The Killer Bride”. Tinatampukan ito nina Janella Salvador, Maja Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann. Ang timeslot na babakantehin ng “The Killer Bride” ay ookupahan ng bagong magsisimulang action-drama TV series na “A Soldier’s Heart”. Pangungunahan ni Gerald Anderson kasama ang ex-boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona.

Sa paghihiwalay nina Janella at Elmo ay tila katapusan na rin ng kanilang love team sa bakuran ng Kapamilya network.

Although close si Janella sa kanyang co-star sa “The Killer Bride” na si Joshua Garcia, ang Fil-British actor na si Marcus Patterson ang nali-link sa singer-actress. Pero wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa.

Piolo piniling mag-bday sa Batangas kesa sa ‘ASAP’

Absent ang Kapamilya prized actor na si Piolo Pascual sa dapat sana’y 43rd birthday celebration niya sa “ASAP Natin ‘To” nu’ng Linggo.

Sa halip na nasa programa siya ay mas pinili niyang salubungin ang kanyang kaarawan nu’ng midnight ng January 11 sa kanyang mala-mansion na rest house sa Batangas. Kasama niya ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Nagkaroon din ng fireworks sa kanyang intimate birthday celebration.

Ang rest house ni Piolo sa Batangas ay isa lamang sa kanyang maraming investment. Kasama na rito ang bahay sa Los Angeles, California maging sa Las Vegas, Nevada.

Sa ngayon, mukhang wala pa sa immediate plan ng actor-producer ang lumagay sa tahimik lalo’t wala naman itong bagong pinopormahan after Shaina Magdayao.

Marcelito pang-world class kay Ellen DeGeneres

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang grand winner ng 2nd season ng “Pilipinas Got Talent” in 2011 na si Marcelito Pomoy na maabot ang kanyang mga pangarap.

Si Marcelito ay ipinanganak sa Imus, Cavite pero siya’y lumaki sa Bislig, Surigao del Sur. Nasa kulungan noon ang ama ni Marcelito at iniwan sila ng kanilang ina na lumuwas ng Maynila. Iyon ang pinakamahirap na bahagi ng pinagdaan niya at ng kanyang kapatid.

Hindi naglaon ay na-discover niya ang kanyang kakaibang talent na kaya niyang pagsamahin sa kanyang pagkanta ang boses ng lalaki at babae. Ito ang naging daan para siya’y sumali sa iba’t ibang amateur at professional singing competition.

Hindi ikinakaila ni Marcelito na nagkaroon ng 360 degrees turn ang kanyang buhay nang siya’y manalo sa ikalawang season ng “Pinoy Got Talent” dahil in the course of the competition ay kanyang nabuo ang kanyang napawalay na pamilya kasama ang kanyang mga magulang na meron nang kani-kanyang bagong pamilya.

Nu’ng September 21, 2014 naman ay pinakasalan niya ang kanyang kasintahan na si Joan Paraiso ng Caluag, Quezon at meron na silang isang anak na si Marcella Jainah.

Naging viral sa social media ang “The Prayer” song na kinanta ni Marcelito na umabot sa kaalaman ng popular American TV host na si Ellen DeGeneres. Siya’y naimbitahan na mag-guest sa kanyang show at kinanta ito nu’ng 2018.

Ito rin ang naging dahilan para siya’y mapasama sa “America’s Got Talent: The Champions” na ang mga kalahok ay naging champion mula sa iba’t ibang bansa. Si Marcelito ang kinatawan ng Pilipinas.

Sa naging performance ni Marcelito sa “America’s Got Talent” na muling kinanta ang “The Prayer” ay sobra niyang napahanga ang mga hurado. Pang-world class talaga ang talent niya.