Abante Tonite Interactive

Elmo pumiyok sa buradong dyowa

0 833

NI: Rona Ronda

Nagulat ang mga netizen ng isapubliko ng aktor na si Elmo Magalona ang kanyang non-showbiz girlfriend na pinangalang si Ry. Pero ang post sa Instagram ay kalaunan din niyang binura.

Nagtaka naman ang mga netizen kung bakit binura ng aktor ang larawan. Sa panibagong post nilinaw niya ang kanyang dahilan.

Aniya, “I feel like I need to share to everyone why I removed my post from yesterday. I should have been more considerate. I posted without telling anybody.”

Humingi rin siya ng tawad sa kanyang girlfriend maging sa pamilya nito dahil sa kanyang ginawa. Ayaw umano niyang alisin ang karapatan nila sa privacy.

Sey pa ni Elmo, “disregard what I had to share last night. Let’s just focus on what matters right now. Peace to everyone.”

Ito ang unang beses na ibinahagi ng aktor ang kanyang personal na buhay matapos ang hiwalayan nila ni Janella Salvador noong 2018.