Abante Tonite Interactive

Elmo tinangging may bagong dyowa

499

Busy raw si Elmo Magalona sa ginagawa niyang music at sa kanyang work kaya parang nagulat siya na tinanong namin siya about his love life.
May girlfriend na raw siya, how true?

“I don’t have,” sagot sa amin ni Moe nang matsika namin siya sa launch ng Independence Day collab ng Francis M. Clothing Company at ng Secret Fresh sa Ronac Art Center sa Ortigas.

Spotted daw siya with a girl sa BGC at sweet daw sila, eh?

“I don’t know. I mean, I’ve been t­rying to just live life and be happy. I don’t want the pressure yet right now because there’s so many things going on and ‘yun lang. I’m just trying to live my life right now,” sey ng 25-anyos na binata.

Sabi namin kay Elmo, if ever mang makita siya with a girl, wala namang masama du’n, ‘di ba?

“Yeah,” nakangiting pag-agree niya.

But is he dating now?

“No. I just wanna focus on my work lang. I’m not really entertaining like a different relationship right now. Pero siyempre, it’s gonna come din naman. But now, no.”

So, hindi pa siya ready to have a new relationship?
“Yeah.”

Pero lumalabas naman siya to meet other people?

“I go out. I go out, siyempre. It’s part of my life din to like go out and meet people.”

Samantala, excited na si Moe sa ginagawa niyang Kapamilya series na pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Ito ‘yung “Take Life” na gumaganap silang mga sundalong Scout Rangers. Puro lalaki sila rito kasama sina Carlo Aquino, Jerome Ponce, Yves Flores, Vin Abrenica at Nash Aguas. Si Sue Ramirez lang daw ang girl.

Nakakapagod daw ang endurance training nila sa Camp Capinpin at pati ang mga gupit ng buhok nila ay military cut.

2016 pa ang huling teleserye ni Moe, kaya sobrang looking forward na siya sa bago niyang serye.

Abala rin siya sa music na ginagawa niya under Universal Records at next month ay ilalabas na raw ni Moe ang first single niya in so long.

Nagpunta siya ng Hawaii recently at nag-collab sila roon ni Mimi, isang Hawaiian artist na half-Filipina. May duet sila para sa album ni Mimi, na ire-release din dito ‘yung song nila na “Keke Love.”
***

Mga fan hopia
sa balikang Pops-Martin

Ang ganda ng relasyon ngayon ng dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera.

Ang saya nilang pagmasdan ‘pag kasama nila ang mga anak nila at lahat sila ay nagkakasundo.

“Ang hirap din kasi na hindi kami okey, ‘di ba? So, thank God na na-master na namin ang mga emosyon namin and we’ve really become good friends,” bulalas ni Pops, na isa na ngayong movie producer.

“I think we’ve realized what we’re meant to be for each other and of course, that has a lot to do with our kids also.”

Sey namin kay Pipay, in fairness ay marami pa ring kinikilig sa kanila ni Martin. Nandiyan pa rin ‘yung mga humo-hopia na balang araw ay magkakabalikan silang dalawa.

“I think dahil sa kanila kaya may Martin & Pops pa rin. So, maraming-maraming salamat. But I think they also know naman na Martin and I will be good friends talaga.

“So, wala naman sana kaming pinapaasa because we’re also being very honest naman to our followers.”

Happy si Martin sa love life nito. Eh, siya ba?

“Happy ako, super happy naman ako,” sagot ng original Concert Queen.
“Even without a special someone?

“Yes. Sabi ko nga, I think after a while, after you’ve been single for a long time, you’ll realize na nae-enjoy mo na rin ‘yung pagka-single mo.

“Happy naman ako with my family. I’m so happy with my simple life, actually. I’m so happy with my friends.

“Hindi naman ako lonely. I think there’s a big difference. You can be single and lonely. But I’m single and very happy naman ang satisfied,” sambit ni Pipay.

May cameo appearance si Martin sa unang pelikulang pinrodyus ni Pops, ang “Feelennial (Feeling Millennial)” na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Tumatawang hirit sa amin ni Pops, mano-nominate dito si Martin na Best in Cameo.

Sobrang natuwa si Pipay sa word na ‘feelennial’ na una niyang narinig from a friend. Kaya tungkol doon ang ginawa niyang movie, na ka-partner niya ang Cignal Entertainment.

Aligaga si Ms. Producer sa promo ng first movie production niya. Bukas na, June 17, ang pink carpet premiere ng Graded B ng CEB na “Feelennial” at sa June 19 ang showing nito in cinemas nationwide.