Abante Tonite Interactive

Elton John ipinusta ang bahay para kay Lady Gaga

By
241

Inanunsiyo via Twitter na ang bidang lalaki at direktor ng pelikulang A Star is Born na si Bradley Cooper, ay magpi-perform sa Oscars 2019 na magaganap sa February 24. Makakasama niya ang bidang babae ng pelikula na si Lady Gaga.

Aawitin nina Cooper at Lady Gaga ang sikat nilang kanta na may pamagat na Shallow. Nominado ito para sa Best Original Song cate­gory. Magiging mahigpit na kalaban ng kanta ang “All The Stars” ni Kendrick Lamar at SZA mula sa pelikulang “Black Panther,” “I’ll Fight” ni Diane Warren.

Marami ang nagulat sa hamon ng beteranong mang-aawit at manunulat na si Elton John na handang ipusta ang kanyang bahay kapag hindi nanalo ang kantang ‘Shallow’ mula sa pelikulang ‘A Star Is Born’ sa Oscar Awards.

Malaki ang paniwala ng mahusay na mang-aawit na malaki ang tsansa ng nasabing kanta.

Napag-alamang ninang si Gaga ng dalawang anak ng British musician. Katuwang din siya sa pagbuo sa inaabangang paglabas ng pina­kabagong album ng sikat na pop singer.