Abante Tonite Interactive

Ely Buendia umayaw sa Eraserheads reunion

By
4,479

MATAGAL na rin disbanded ang Eraserheads pero hindi matatawaran na hanggang ngayon, marami pa ring fans ang naghihintay na muling mabuo ang Eraserheads kahit sa isang reunion gig o concert na muling magkakasama ang dating magkakamiyembro.

The former members of E’heads aside kay Ely ay sina Buddy Zabala (bass), Marcus Adoro (lead guitar) at Raimund Marasigan (drums) na ngayon ay may mga kanya-kanyang grupo na.

Pero kailan lang, nagkasama-sama ang tatlo along with Moonstar88 Frontwoman, Maysh Baay, and Ultra Combo.

Siyempre, maraming fans ang nakapansin at nag-wish na sayang daw, si Ely na lang ang kulang and that could have been an E’heads reunion. And with social media, since then ay marami na sa mga fans ang tila gustong ipa-trend ang pagkakaroon ng Eraserheads reunion.

‘Yun lang, in-assume ng ibang fans at netizens ang tweet na pinost ni Ely, sa panahon na may clamor na magsama-sama silang muli, sa negatibong sagot nito.

Ang tweet ni Ely noong January 23 sa kanyang @elybuendia9001, “Some people will never understand that people who don’t get along can’t work together.”

May mga nag-react sa tweet niya. Tulad ni @mervin19wendell, “True. Pero sana may reunion pa rin.”

Reply naman ni @kulasGwapa, “bkit nman kasi u dnt get along? dba, frends kayu snce college, dpat kung frends frends tlaga, npaka ma pride mu din nman ksi ely.”

Walang sinagot si Ely sa mga nag-tweet sa kanya ng reaksyon. Pero, nag-post itong muli kahapon na tila sagot niya sa lahat ng nag-interpret sa una niyang tweet.

Aniya, “Just to clear things up, not all my tweets are about the ‘heads, I’ve no problem with the other three they’re great guys, much respect.”

Si Ely ay may sarili na rin grupo, ang The Oktaves.