Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ely inurot na lalaking Agot

0 581

Pagkatapos na gumawa ng ingay sa socmed ang naging pahayag ng OPM icon na si Ely Buendia na never siyang naging close sa co-members niya sa defunct band na Eraserheads, umani ito ng samu’t-saring hate messages sa mga netizen.

Paniwala naman ng dating bokalista ng grupo, karamihan sa mga basher niya ay DDS.

Katunayan, may mga nagpakalat nga sa socmed na yumao na umano ang nasabing singer-composer at occasional actor.

Kontrobersyal na naman ang kanyang naging post kamakailan sa kanyang Twitter.

Aniya : “I wonder if politicians still think that global warming is a myth.”

Sagot naman ng isang netizen na nagngangalang muffpotter: “Ely Buendia is becoming a male version of Agot Isidro.”

Reply naman ni Ely sa basher: “I consider it a compliment.”

Ibig sabihin, wa care lang si Ely kung kuyugin siya ng kanyang bashers at pati ng mga DDS.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, inuurot na sina Agot at Ely daw at paboritong pagpiyestahan ng mga DDS bashers.

Hirit naman ng mga netizen, hindi na raw kataka-taka dahil na-link umano ang dalawa noong circa ’96.

Ginawan pa rin daw noon ng komposisyon ni Ely si Agot na ang titulo ay “It Feels so Good.”

Mula naman sa grapevine, may nagsabing bago pa man nagkaroon ng relasyon sina Monsour (del Rosario) at Agot ay naging mag-on umano sina Ely at ang aktres.

May nag-share naman ng trivia na ang girl daw na tinutukoy o inspirasyon ni Ely sa iconic song na Pare Ko ng Eraserheads ay mismong si Agot.

Sey naman ng iba, tila sinusundan daw ni Ely ang yapak ng APO member na si Jim Paredes na aktibo sa pagbatikos sa gobyerno.

Sa mga concerned naman sa kalusugan ng dating Ehead member, pinagpapayuhan itong maghinay-hinay ito dahil baka hindi nito kayanin ang pressure ng pagkuyog sa kanya ng kanyang mga basher lalo pa’t may heart condition ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.