Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ely napasubo kay Leni

0 90

NI: ARCHIE LIAO

Trending sa Twitter ang iconic band na Eraserheads.

Ito’y dahil sa bagong development hinggil sa pagtakbo ni VP Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 national elections.

Inaabangan kasi kung tutuparin ng OPM icon na si Ely Buendia ang kanyang pangako sa kanyang mga faney. May kinalaman sa komento nito na posibleng magkaroon ng reunion concert ang nasabing grupo kung kakandidato si VP Leni bilang president.

Matatandaang dati nang nag-trending sa Twitter ang OPM icon sa kanyang mga hanash.

Sa Twitter nagpaunlak din siyang sagutin noon ang ilang mga tanong mula sa kanyang followers tulad ng update sa kanyang grupong Pupil na ayon sa kanya ay “in indefinite hiatus”ngayon.

Ito naman ang mga komento ng netizens sa ipina-trending muling sagot niya hinggil sa reunion concert ng disbanded na grupo.

“Hello, Eraserheads! Reunion na, the masses are waiting!”

“Reunion na!!! Eraserheads, rakenrol!”

“Better days are coming.”

“Hello, Eraserheads, time to get your shit together.”

“I -concert na natin yarn! Eraserheads!”

“An hour before VP Leni Robredo’s scheduled announcement today, Eraserheads’ Alapaap plays at the background here at the Quezon City Reception House.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.