Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ely nilaglag ang Eraserheads

0 527

Iba’t-iba ang naging reaksyon ng mga netizen kaugnay ng naging rebelasyon ng OPM icon na si Ely Buendia nang maging panauhin siya sa podcast nina Saab Magalona at Jim Bacarro.

Sa nasabing podcast kasi, napa-throwback ang mga host sa ganda ng kanilang kantang “Minsan” na anila’y parang tumutumbok sa nabuo nilang pagkakaibigan sa grupo.

Nilinaw naman ni Ely na hindi niya naging mga kaibigan o naging close siya sa sinumang miyembro ng iconic na bandang dating kinabibilangan.

Gayunpaman, maganda raw naman ang working relationship niya sa mga ito.

Dahil sa kanyang pahayag, umano siya ng pambabatikos sa Eraserhead fans.

Ang ilan naman ay nadismaya sa kanyang ipinagtapat.

Meron namang nagtanggol sa kanya at nagpapakatotoo lamang ang dating bokalista ng grupo.

Sa kanya namang Instagram account, nagpaliwanag si Ely sa kanyang naging pahayag.

“Big deal, still? Why hate on people who want to tell the truth? I didn’t ask to be interviewed, nanahimik na nga ko dito eh living a happy life kayo yung makulit about the eheads. The music is all that matters, have you forgotten about that, and who wrote most of it? Just saying,” aniya.

Keber naman niya kung maraming Eraserhead fans ang imbudo sa kanyang naging rebelasyon.

“Lol it’s also weird that I have more Ehead fans who hate me than DDS. Priorities, I guess,.” sey niya.

@@@

Sey mo Ate Guy?: Rabiya Vilmanian

Inamin ng Ms Universe Philippines na si Rabiya Mateo na gusto niyang pasukin ang showbiz.

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong

umarte, gusto raw niyang malinya sa horror.

Mahilig daw kasi siyang manood ng scary movies.

Kung mabibigyan naman siya ng pagkakataong mamili ng makakatrabaho, gusto raw niyang maka-work ang Batangas Representative at Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Dahil sa sinabi niyang ito, nag-react ang kibitzers at sinabing Vilmanian daw pala si ate.

Nasa bucketlist din daw niya sa mga gustong makatrabaho sina Maricel Soriano at Dingdong Dantes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.