Abante Tonite Interactive

EMB derby suportado ni veteran llamador Picazo

313

Mga bigtime cocker ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Bulacan at Pampanga ang magkakasubukan sa Pasay City Cockpit sa “EMB 5-Cock Derby” ngayong araw.

Host ang EMB group ng Laguna, suportado ni veteran llamador Jerald Picazo ang derbing mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.
Ayon kay Picazo, ilang miyembro rin ng National Cockers Alliance (NCA) ang sasali rito.

Matatapos ang 2018-2019 cockfighting season sa July 5 sa pamamagitan ng “PCC 33rd Anniversary 4-Cock Derby” na tinatayang lalampas sa 100 ang mga sultada.

Inaabangan rin ang ‘early bird’ stagfighting season sa July 12, 19, 22 at 26 (set A), na “Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby”. May guaranteed prize ito na P10M at entry fee na P7,000.

Kumpleto na ang listahan sa July 12 opening round na may 140 entries at puwedeng sumali sa July 19 o 22. Ang semifinals ay sa July 26.

May elims din sa Lucena Cockpit Arena sa July 27 at Aug. 12, Balagtas Coliseum Batangas sa Aug. 8 at Metro Darasa Cockpit sa Aug. 11. (Enjel Manato)