Abante Tonite Interactive

Embassy bubulabugin sa basura ng Korea

By
184

Bubulabugin ngayon ng toxic waste group na EcoWaste Coalition ang South Korean Embassy para kaagad na maibalik sa kanilang bansa ang 51 container van ng basura na dumating sa Port of Manila noong Hulyo.
Nabatid na alas-nuwebe nang umaga ay magsasagawa ng pagkilos sa harap ng SK Embassy sa Upper McKinley Road, Taguig City ang grupo para igiit na kaagad ibalik sa SK ang basura.
Binatikos rin ng grupo ang SK dahil sa ginawang dumping site ng kanilang mga basura ang Pilipinas.
Highlight ng protesta ang pagsusumite ng  petition letter sa Korean embassy at ang symbolic mock garbage.
Nabatid na unang idineklarang synthetic plastic flakes ang 51 container pero nang buksan nalaman na ito ay mga solid waste mula sa SK.
Una nang inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na papanagutin ang nagpadala ng natu­rang mga basura.