Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, 76ers pinunit Nets

0 204

Hindi kinayang mag-isa ni Kyrie Irving ang buong puwersa ng 76ers.

Siyam na players lang ang nasa lineup ng Brooklyn nang dumayo sa Philadelphia nitong Miyerkoles, pumukpok si Irving pero kinapos ang kanyang 37 points at yumuko ang Nets 123-117 sa 75th NBA regular season game.

Humarabas ng 23 points sa first two quarters si Irving – pang-walong 20-point first half niya ngayong season.

Basag ang pagkakabuhol ng Eastern Conference leaders, angat sa 38-17 ang Sixers at napigil sa 37-18 ang Nets.

Ipinahinga sina Kevin Durant (injury management) at Blake Griffin (injury management), injured si James Harden (hamstring) at out si LaMarcus Aldridge (non-COVID related illness).

Sa kabila, kumpleto sina Joel Embiid, Tobias Harris at Ben Simmons kasama ang support cast.

Sinabayan si Irving ng 39 points, 13 rebounds ni Embiid.

Sa harap ng 4,094 fans sa Wells Fargo Center, umiskor din ng 21 sa halftime si Embiid para ekisan ang NBA-leading 14th 20-point first half. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.