Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, 76ers tinibag Celtics

0 253

Nanagasa si Joel Embiid ng 18 points, 3 rebounds at tig-2 assists at steals sa 17 minutes play lang sa first half upang hakbangan ng Philadelphia 76ers ang Boston Celtics sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 preseason game Miyerkoles sa Wells Fargo Center sa Philadelphia, Pennsylvania.

Ang laro ay pagsubok para sa Sixers, sa gagawin, dapat pang mga ayusin patungo sa pagbubukas ng liga sa darating na December 22.

Magbabalik ang Philadelphia sa bagong season na may pitong player mula last season. May bagong coach sa katauhan ni Doc Rivers, at bago ring coaching staff.

Ang mga beterano pero bagong dati pa lang sa hukbo ay sina Seth Curry, Danny Green at Dwight Howard.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero ang malaking katanungan ay ang kahahantungan ng 76ers pagdating sa opensiba.

“Conditioning levels, where guys are at,” bigkas ni Rivers, na nakahugot pa ng 16 markers at 9 boards kay Tobias Harris. “Confidence levels, where guys are at. Timing. There are so many things you can get out of these games.”

Aminado ang bench tactician na may mga dapat pang hasain.

Nagposte si Jeff Teague ng 18 pts. sa pangunguna sa Boston (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.