Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid basag kanang mata

0 63

Kinumpirma ng Philadelphia 76ers nitong Biyernes na may basag sa kanang eye socket ni Joel Embiid.

Nasa injured list ang 7-foot-2 center habang palapit ang Game 1 ng East second round.

Dadayo ng Miami ang Sixers para harapin ang Heat sa opener sa Martes (araw sa Manila).

Tinamaan ni Toronto big man Pascal Siakam sa mukha si Embiid 4 minutes pa sa laro noong Huwebes. Abante na ng 29 noon ang Philly, minuto na lang ang hinihintay ay ikakahon ang first-round clinching win.

Napaatras si Embiid, halatang nasaktan. Maya-maya, inilabas na siya ni coach Doc Rivers.

“I think he might have broken my face,” pakli ni Embiid sa postgame interview. “It’s all good. It’s the playoffs.”

Hindi pa sigurado kung kailan makakalaro ulit ang scoring champion at MVP candidate. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.