Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid ekis sa Game 3

0 42

Inekisan ng 76ers ang pangalan ni Joel Embiid sa lineup para sa Game 3 ng 76th NBA 2021-22 Eastern Conference semis kontra Miami.

Sa Philadelphia ang laro ngayong araw.

Nagka-fracture sa bandang mata si Embiid sa first-round clincher laban sa Toronto. May thumb injury din ang 7-foot center.

Walang mahanap sina guards James Harden at Tyrese Maxey na babatuhan sa loob.

Sa unang dalawang laro, nauunahan ng East top seed Heat ang Sixers sa first quarter.

“When we go home with the crowd on our side, we’ve got to hit first,” giit ni Maxey pagkatapos ng 119-103 Game 2 loss.

Walang Embiid, nambarako ng 23 points si Miami center Bam Adebayo noong huli.

Sa naunang 18 series na nakauna sa 2-0 ang Miami kabilang ang first round ngayong season laban sa Atlanta, laging nananaig sa matchup ang Heat. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.