Abante Tonite Interactive

Embiid pinasiklaban sina O’Neal, Barkley

261

Nagkomento sina Hall of Famer Shaquille O’Neal at Charles Barkley na anemic ang laro ni Joel Embiid.

Rumesponde ang Philadelphia center nang ilabas ang pinakamagandang laro niya ngayong season.

Pasiklab si Embiid ng season-high 38 points at 13 rebounds para ihatid ang 76ers sa 115-109 win laban sa Boston Celtics Huwebes ng gabi.

Umiskor ng 16 si Embiid sa fourth quarter, 5 of 6 sa free throws sa final 26 seconds matapos kumana ng seven straight points ang Celtics para burahin ang nine-point deficit.

Abante ng apat ang Philly sa final 15 seconds, binutata niya si Daniel Theis para selyuhan ang panalo.

Sinabi ni Barkley na toughest matchup sa liga si Embiid pero hindi niya sinasamantala. Ayon kay O’Neal, hindi siya dapat makuntento sa average niyang 22 points per game – dapat ay 28 o 30.

“I like when I get criticized,” ani Embiid. “For them to say I have the potential to be the best player in the world, and I haven’t shown that yet, I need to play harder.”

Sa laro ay sinabihan pa ni Celtics center Enes Kanter si Embiid na huwag pansinin ang mga kritisismo.

“He’s one of the best big men in the league,” wika ni Kanter, nagsumite ng season-high 20 points at 9 rebounds. “I told him, ‘Hey, don’t worry about it.’ I told him to just go out and play your game.” (Vladi Eduarte)