Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, Sixers kinulong Bulls

0 477

Walo lang ang nasa lineup ng Philadelphia 76ers, sumakay sa 30 points ni Joel Embiid para paamuin ang Chicago Bulls 114-105 sa 2021-22 NBA regular season game Sabado ng gabi sa United Center sa Illinois.

Kumalawit pa ng 15 rebounds si Embiid at inekisan ng Sixers ang pang-anim na sunod na panalo matapos umpisahan ang season sa 0-3 patungo sa 8-2 record. Salampak ang biktima sa 6-3.

Naglista si Furkan Korkmaz ng 25 points mula career high-tying 7 3-pointers para sa Sixers na humugot ng double figures mula sa pitong player. May 13 si Shake Milton at 12 kay Georges Niang.

SM food to go Banner Ad

“The ball kept going to the right players in the last 2 ½ minutes,” ani Philadelphia coach Doc Rivers, kinolekta ang 1,000th win.

Tinapos ni Zach LaVine ang 10-0 spurt ng Chicago para agawin ang trangko 97-96 kulang 6 minutes pa sa laro, pero sumagot ng 3 si Embiid at hindi na naghabol ang 76ers.

Tumapos si LaVine ng 32 points, nagdagdag si DeMar DeRozan ng 25 sa Bulls. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.