Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, Sixers nilaslas Celtics

0 151

Nambarako si Joel Embiid ng 35 points, dinagdagan ni Danny Green ng 17 at pinagdiskitahan ng Philadelphia ang Boston 106-96 sa 75th NBA regular season game sa TD Garden sa Massachusetts Martes ng gabi.

Angat sa 35-16 ang Sixers, inakbayan sa tuktok ng Eastern Conference ang Brooklyn. Lugmok sa 25-26 ang Celtics.

Mula sa labas ng arc ay 5 for 6 si Green.

Dumistansiya ng 21 sa second half ang Philly at hindi na nakabawi ang Cetlics.

Kinapos ang 20 points ni Jayson Tatum at 17 ni Jaylen Brown sa Boston.

Pangalawang laro pa lang ni Embiid matapos mawala ng 10 dahil sa left knee injury.

“I’m back,” paalala ni Embiid kay coach Doc Rivers pagkatapos ng laro.

“I noticed,” buwelta ni Rivers.

Kumalawit ng 6 rebounds si Embiid at 16 of 20 sa free throw line. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.