Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, Sixers tinisod Warriors

0 177

Diniskaril ni Joel Embiid at ng Philadelphia 76ers ang bumisitang si Stephen Curry at Golden State Warriors 102-93 sa 76th NBA regular season game Sabado ng gabi sa Wells Fargo Center.

Humarabas si Embiid ng 26 points at 9 rebounds, umayuda ng 16 at 9 si Tobias Harris at 14 kay Tyrese Maxey.

Tumira ng 3 for 14 sa labas ng arc si Curry tungo sa 18 points, pero hindi naalpasan o pantayan ang 3-point record ni Ray Allen. Anim pa ang kulang ni Curry sa all-time best 2,973 regular-season 3s ni Allen.

SM food to go Banner Ad

Sa pangalawang pagkakataon lang ngayong season, nalimitahan ng mas mababa sa 100 points ang Warriors.

Mula sa dikitang bakbakan sa first three quarters, umiskor ng 32 sa final period ang 76ers para kumalas. Kasabay nu’n ang paglimita niila sa Golden State sa 20 points.

Parehong nasa laro sina coaches Doc Rivers ng Sixers at Steve Kerr ng Warriors nang burahin ni Allen ang 3-point record ni Reggie Miller (2,560) noong Feb. 10, 2011. Coach ni Allen sa Boston si Rivers, broadcaster ng TNT si Kerr. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.