Abante Tonite Interactive

Embiid tumirada ng no-look shot

342

Ibinato ni Joel ­Embiid ang bola nang nakatalikod sa basket, nag-shake pa ng balikat para i-celebrate ang ­no-look shot.

Vintage Embiid.

Umiskor si Embiid ng 22 huli ang key free throws 15.3 seconds na lang sa laro, nagdagdag si Tobias Harris ng 20 at ibinaon ng ­Philadelphia 76ers ang Denver ­Nuggets 97-92 Martes nang gabi.

Umayuda si Matisse Thybulle ng 13 points sa Sixers na 13-0 na sa ­sariling teritoryo.

Tinapos ng no-look, over-the-shoulder shot ni Embiid ang third ­tungo sa 83-76 lead. (VE)