Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid walastik vs Celtics

0 102

Nilabas ni Joel Embiid ang kalibreng pang-MVP sa tono ng 42 points at 10 rebounds, nagdagdag si Tobias Harris ng 22 points, at pinaluhod ng Philadelphia ang Boston Celtics 117-109 sa 2020-21 NBA regular season game sa Miyerkoles ng gabi.

Mula sa floor ay 12 of 19 si Embiid, 17 of 21 sa free throws. Tumagal lang siya ng 34 minutes sa loob at umiskor ng 22 sa first half.

“If they double, we’ve got way too many shooters for me to be able to kick it out,” bida ni Embiid. “I can attack on a different style.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.