Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, Young iwas sa hukay

0 147

Isa sa Philadelphia at Atlanta ang matatapos na ang season pagkaraan ng Game 7 ng NBA Eastern Conference semis ngayon.

Napuwersa ang winner-take-all sa Philadelphia nang itakas ng 76ers ang 104-99 win sa Atlanta noong Biyernes.

Problema pa rin ni big man Joel Embiid ang injured na tuhod pero nagsumite ng 22 points at 13 rebounds. Inaasahang lalaro pa rin si Embiid sa decider kahit may iniinda.

Consistent ang ayuda sa 76ers ni Seth Curry sa 6 for 9 mula 3-point range noong huli at may tig-24 points sila ni Tobias Harris.

Kuwestiyonable ang lagay ni Bogdan Bogdanovic, ang best 3-point shooter ng Hawks dahil din sa nananakit na kanang tuhod.

SM food to go Banner Ad

Sa fourth quarter ng huling laro, maagang lumabas si Bogdanovic at hindi na bumalik.

Hindi nakapagbigay ng rektang sagot si Atlanta coach Nate McMillan nang hingan ng update sa kanyang gunner.

“We’ll see how he feels later today and tomorrow,” aniya.

Mas mabigat na load ang papasanin ni Trae Young para punan ang average na 15 points ni Bogdanovic. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.