Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Embiid, Young pasiklaban uli

0 17

Kahit ang right knee injury ay hindi napigil si Joel Embiid sa first two games ng NBA Eastern Conference semis ng Philadelphia at Atlanta.

Split sa Philadelphia ang magkatunggali 1-1, nagsalansan sa dalawang larong ‘yun ng pinagsamang 79 points si 76ers center Embiid.

Pagkasegunda kay Nikola Jokic ng Denver sa MVP race, humarabas si Embiid ng 40 points, 13 rebounds nang suyurin ang depensa ni Atlanta center Clint Capela.

Related Posts

Kumpiyansa ang Hawks na matatapatan nila si Embiid dahil sa sariling home court sa Atlanta ang susunod na dalawang laro umpisa sa Game 3 ngayon.

Si Trae Young ang panapat ng Atlanta, nag-average ng 28.9 points sa seven playoffs games sa debut niya sa postseason.

Pasabog ng 35 points at 10 assists si Young sa Game 1 win ng Hawks, pero naka-isang 3-pointer lang nang igapang ang 21 points sa 118-102 Game 2 loss noong Martes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.