Abante Tonite Interactive

Emergency powers kay Digong para sa pagresolba ng trapik

260

Joel Reyes Zobel

Tatlong punto limang bilyong piso, kada araw ang nawawalang kita sa Metro Manila dahil sa traffic. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA. Ang halaga ay mas mataas kumpara sa 2.5B a day na pagtaya ng JICA noong 2012. Ibig sabihin, tumataas ito kada taon.

Maraming factor na kinukunsidera bilang mga dahilan ng traffic. Ang populasyon ay una, nasa 13M na ang populasyon sa Metro Manila noong 2015, ang Mega Manila, (Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna) na gumagamit din ng mga kalsada sa Metro Manila ay nasa 11M ang populasyon. Nasa 24M na ‘yan noong 2015. By 2025, ang pagtaya sa populasyon sa Mega Manila ay papalo sa 38M, kaya ang Mega Manila ay itinuturing na isa sa pinakamalaking lungsod sa buong mundo.

Ang pangalawa ay ang kakulangan ng kalsada sa Metro Manila. Ang benta ng sasakyan ay tumataas kada taon. Maraming sasakyan pero kulang ang kalsada.
Pangatlo, ang mga panuntunan sa traffic. Maraming mga traffic scheme na gustong ipatupad ang MMDA pero marami ang humaharang. Merong ibang kaharang-harang, meron namang iba na hindi.

Ambisyoso ang Build, Build, Build program ng Duterte administration.

Binubuo ito ng 75 “game changing” projects o mga proyekto na lubhang makapagbabago tungo sa kaayusan ng pamumuhay ni Juan Dela Cruz.

Hindi po nito lubusang mareresolba ang problema sa trapik pero mababawasan ng malaki ang nasasayang sa productivity ng mga pinoy.

Nabanggit ni Pangulong Duterte na magi-ging limang minuto na lamang ang biyahe ng mga motorista sa EDSA. Hindi naman binanggit kung limang minutong biyahe ng MRT o limang minutong biyahe ng motorista mula Cubao sa QC

hanggang Makati. Imposible! ‘Yan ang sabi ng marami. Pero baka simboliko lang ito ng gustong mangyari ng Pangulo na maibsan ang traffic sa EDSA. Ang pangako niya ay Disyembre, hindi nga lang malinaw kung anong taon. Buti daw tumutulong ang mga Chino.

Merong catch. Humihingi ang Presidente ng emergency powers para magawa niya ito. Ang huling pagkaka-taon na binigyan natin ng emergency powers ang isang Pangulo ay noong panahon ni FVR, para resolbahin ang problema ng kuryente. Nadagdagan nga ang mga planta, naresolba ang brownout noon, pero nabaon naman sa utang si Juan. Sa statement na “tumutulong naman ang Chino”, ay magkakaroon ka ng pagdadalawang isip.

But, take note 3.5B a day ang nawawala sa productivity ng mga Pinoy. Isang halaga na mag-uudyok sayo na marapat na seryosong pag-aralan ang kahili­ngang ito. Ang statement na “tumutulong ang mga Chino”, ay mag-uudyok sayo na ibayo at maingat na pag-aralan, at hindi basta na lamang ibigay ng Kongreso ang kahilingan.