Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Emergency use ng Pfizer vaccine posible sa Enero

0 70

Maaaring mabigyan na ng emergency use authorization o (EUA) ang Pfizer para sa aplikasyon nito sa kanilang COVID-19 bakuna pagpasok ng Enero 2021, ayon sa Food and Drug Administration (FDA) nitong Lunes.

Matatandaang una nang inihayag ni FDA Director General Eric Domingo na naghain na ng aplikasyon ang Pfizer para sa EUA ng bakuna nito.

Ayon kay Domingo, puwede nang makipag-usap ang gobyerno para makakuha ng COVID bakuna ng Pfizer subalit kinakailangan na magkaroon ito ng EUA para payagang makapag-import ng kanilang gamot kontra sa coronavirus.

“Kung maisa-submit naman nila lahat ng requirements at kung may mga tanong tayo masagot naman agad, we hope by the month of January makapag-issue naman tayo ng Emergency Use Authorization,” sabi pa ni Domingo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.