Abante Tonite Interactive

Emilia Clarke napilitang maghubad

0 432

Napilitan si Emilia Clarke na maghubad para sa kanyang role bilang Daenerys Targaryen sa Game of Thrones. Ikinuwento niya ito sa podcast ng show ni Dax Shepard na “Armchair Expert”.

Nangyari ang eksena sa Season 1 ng series. Marami ang napaniwala na confident at komportable siya sa paghuhubad. Napilitan na lamang siyang gawin ito para hindi ma-disappoint ang mga fan.

Ipinaglaban pa niya na hindi na niya kailangan pang maghubad. Kalaunan ay napagtanto rin niya na kailangan niyang patunayan na kaya rin niya ang ganitong klaseng eksena.

Ang eksenang ito ang isa sa pinaka-intense scene sa Season 1 dahil ito ang unang beses na makakasiping ni Daenerys Targaryen o Khaleesi ang kanyang asawa na si Khal Drogo o Jason Momoa sa totoong buhay. (Ronaline Avecilla)