Abante Tonite Interactive

Eminem nanggulat sa Oscars

441

Maraming namangha sa surprise performance ni Eminem sa Oscars Standing ovation ang natanggap niya mula sa mga audience at artista ng kanyang awitin ang “Lose Yourself”.

Ang kantang ito ang kauna-unahang rap song na nagkaroon ng Oscar award. Hindi lang siya nakapunta sa mismong awards night dahil hindi na niya inakala na mananalo siya.

Makalipas ang labingwalong taon, natupad na ni Eminem na maiperform ang epic rap na ito. Malaking sampal ito sa basher ng rapper dahil nitong nakaraang buwan ay nagtrending ang hashtag na #eminemisCANCELLED.

Pinuri ng mga netizen ang legendary performance niya. Matapos nito ay nag-numero uno sa US Itunes ang kantang “Lose Yourself” dahil sa Eminem fever sa Oscars. (Ronaline Avecilla)