Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado naipit sa makina, todas

0 229

Nasawi ang isang empleyado ng isang plastic company nang maipit ang katawan nito sa isang stretching machine sa Carmona, Cavite.

Isinugod pa sa Carmona Hospital ang biktimang si Marvin Rivera, 39, operator ng Best Chemicals and Plastic Company at residente ng Block 3 lot 18 Carnation St., Avelina 2 San Pedro City Laguna pero idineklara na itong dead on arrival.

Sa ulat ni PSSgt Charles Virtudez, ng Carmona Municipal Police Station, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng nabanggit na plastic company sa Brgy Maduya, Carmona, Cavite.

Ayon kay Rachel Rivera, 50, associate manager ng nasabing kumpanya, naipit ang biktima sa nasabing

stretching machine na ginagamit nito sa trabaho na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.