Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado ng Antique LGU nilikida

0 90

Patay ang isang lalaki matapos paliguan ng bala sa Sibalom, Antique kahapon.

Kinilala ang biktima na si Vernel Mondreal, 22-anyos.

Napag-alaman na isang administrative staff si Mondreal ng Sibalom Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa imbestigasyon, pinagbabaril ang biktima ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa Brgy. Igdalaguit.

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang mga suspek at ang motibo nito sa pamamaril. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.