Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado ng city hall timbog sa raket na tsongki

0 92

Himas rehas ang isang empleyado ng city hall ng Kidapawan City na suma-sideline na tulak ng iligal na droga matapos damputin ng pulisya kamakalawa sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Jude Paolo Javier, 25, job order employee ng Kidapawan City hall na nakadestino sa City Health Office.

Sa ulat ni Kidapawan City chief of police Lt. Col. Peter Pinalgan, nakatanggap sila ng ulat hinggil sa raket na pagtutulak ng marijuana ng suspek dahilan upang magsagawa sila ng operasyon kasama ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-12) kamakalawa ng hapon.

Nasamsam sa suspek ang isang package na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa P1,303.50. Narekober din kay Javier ang Vape cartridges at pinaniniwalaang marijuana oil. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.