Abante Tonite Interactive

Empleyado ng Comelec timbog sa pot session

351

Kalaboso ang tatlong katao, kabilang ang isang empleyado ng Commission on Elections (Comelec) matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa Intramuros, Maynila.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek na sina Rogelio Raneses Jr, 48, administrative aide 1 ng Comelec; Rubelyn Raul Pronto, 37; at Erick Alfonso, 55.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:50 kamakalawa ng hapon nang maaresto ang tatlo sa isang bahay sa Sta. Potential St., Intramuros matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad ukol sa pot session umano sa lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang foil, lighter, improvise toother,­ at isang sachet ng shabu. (Juliet de Loza-Chdia)