Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado ng gobyerno laglag sa shabu

0 177

Nasa P1.8 milyong shabu ang nakumpiska sa buy bust kontra sa isang 46 anyos na government employee noong Linggo ng gabi sa Brgy. Poblacion IV, Peñaranda, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Marvin Joe Saro, OIC NE Provincial Director, nakilala ang naaresto na si Larry Bunag Torres alyas Puga, na nakunan ng humigit kumulang sa 265 gramo ng shabu.

Magkatuwang umano sa operasyong inilatag ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit (PPDEU/PIU) na pinamunuan ni PLT Dennis Leonardi at mga kagawad ng Peñaranda police sa ilalim ni PCapt. Williard Dulnuan.

Nang maaresto sa buy bust si Torres ay nakunan ito ng may 18 sachet at dalawang bulto umano ng shabu na nagkakahalagang P1,800,000.00.

Nakunan din ito ng weighing scale, black box at buy bust money. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.