Abante Tonite Interactive

Empleyado ng gobyerno puwede pa sa sabungan

By
1,927

Sapol-pogi sa tuwa ang mga sabungerong nagtatrabaho sa gobyerno mga klasmeyt. Nakaraan kasi naghayag ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na huhulihin ang mga government employee na nagsusugal sa mga casino.

Isa raw sa ugat ng korapsyon ay ang sugal, pero sa mga sabungan ay puwedeng magsabong ang mga government employees kaya abot hanggang tenga ang saya nila.

Hindi naman kasi lahat ng naglalaban sa sabungan ay nagsusugal, meron din kasi dyan nagbi-breed lang dahil negosyo nila ito at para malaman ang husay ng kanilang manok ay ilalaban nila ito, pero hindi nila pera, may kapitalista sila.

Siyempre kapag nakitang mahuhusay ang mga manok mo ay magkakaroon ka ng maraming parokyano, pupuntahan ka at bibilhin ang mga alaga mong panabong.

Kaya sa mga empleyado ng gobyerno na sabungero, magkita-kita tayo sa 2018 World Slasher Cup (WSC) Invitational 9-cock derby na magsisimula sa Enero 29 hanggang Pebrero 7 sa Araneta Coliseum.

***

Sa Lunes na ang WSC, paniguradong kasali pa rin para depensahan ang kanyang titulo si Frank Berin na parehong kampeon sa una at ikalawang edisyon  nung nakaraang taon-

Solo sa una na may entry na NEJ Sebastian, sa May edition ay Mulawin naman ang entry ni Berin, sumalo siya kina brothers Martin at Marlon Escolin, (Escolin Eslabon) at Anthony Lim, (Lucban)-

Kita-kits tayo sa Lunes mga kasabong.